Browse By

Torre De Manila minumulto daw ni Rizal

MANILA – Nagmumulto daw si Jose Rizal sa isa sa building na tinatayo malapit sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila, ito ay ang Torre De Manila.

Ang Torre De Manila ay isang condominium project ng DMCI, ito ay tinatayo malapit sa Rizal Park. Kumakailan lang ay maraming umaayaw sa pagpapatayo nito at may Senate Probe pa ngang ginawa na pinasimula ni Sen. Pia Cayetano para lang maimbistigahan at explore ang pagkaka-sara at pag-demolish dito.

torre-de-manila-rizal-park-senate-probeAng pangunahing dahilan kung bakit ito pinapatanggal dahil ito daw ay nakakasira sa view ng Rizal Park. Ngayon mukhang pati ang bayani nating is Jose Rizal ay galit na din dahil sa construction nitong Torre De Manila. Nitong gabi ng December 6, 2014 ay nagmulto ang pambansang bayani natin sa mga construction workers ng DMCI. Sabi ng mga trabahante nila meron silang naririnig na sumisigaw ng “fuego” at ilang mga kaluskos sa ikatlong palapag ng ginagawa nilang gusali. Ayon pa sa iba ay may biglang nahuhulog na libro ng “Noli me tangere” at “El Filibusterismo” sa ika-limang palapag, pagkatapos may tatakbo ng mabilis na lalaki na ang imahe ay naka-americana o naka-itim tapos may sumbrerong itim din at may bigote, na kamukhang kamukha ng ating pambansang bayani.

Aming kinunsulta ang aming resident esperitista na si Mang Kapweng tungkol dito, anya sa eksperto ito ay senyales na mismong si Jose Rizal ay ayaw mababoy ang kanyang imahe at ala-ala sa makabagong Pilipino. Dagdag pa nya, mukhang para kay Jose Rizal isa itong paglapastanganan sa kanyang ginawa upang makatulong sa pagkamit ng kalayaan ng bansa laban sa mga manlulupig nito. Dapat ang gawin nila dito ay itigil nalang ang konstruksyon ng condominium o kaya naman ay magpakain ang DMCI sa 100 million na Pilipino sa loob ng Anim na taon para matahamik anya ang kaluluwa ng ating pambansang bayani.

Upang marinig naman ang panig ng syensya, aming tinanong ang resident psychologist namin na si Dr. Alma Huereden, ayon sa kanya “The one they are seeing can be caused by guilt that they are part of a group or a team that is building something that is somewhat desecrating the symbol of peace and unity as projected by the monument of Rizal, it is more of conscience hunting this people.”

Kung ano man talaga ang dahilan ng pagmumulto ng ating pambansang bayani, o kung ano man ang sinasabi ng syentipiko. Isa lang ang malinaw dito, dapat talagang itigil na ang konstruksyon ng nasabing gusali.

 

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

7 + fifteen =