Browse By

DOST nagsasaliksik ng Tungkol sa Weather Engineering

BICUTAN – Department of Science and Technology (DOST) sa pangunguna ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay nagsasaliksik ng pagkakaron ng posibilidad ng Weather Engineering.

Ang Weather Engineering ay isang teknolohiya na kung saan ay magbibigay kakayanan na makontrol ang takbo at galaw ng isang weather system, pwede itong magamit sa pag-schedule ng ulan, bagyo, tag-init at kung ano ano pang weather system. Sinasaliksik ngayon ng DOST – PAGASA ang posibilidad ng pagkakaron ng ganito. Kung sakaling maging successful ang pagsasaliksik nito ay gagamitin nila ito para sa ikakabuti ng agrikultura kasama ang Department of Agriculture (DA) at gamit pang-militar kasama ang Department of National Defense (DND)

Ngunit marami ang nagtatanong kung kaya na ba ng Pilipinas ang ganitong klase ng pagsasaliksik at handa ba tayo sa kakailanganing backend. Sa tingin namin ay kaya na, may lima tayong dahilan kung bakit confident na ang bansa patungkol dito.

1. Ang Pilipinas ay may Super Computer na, ito ay ang Blue Gene/P na may 4096 cores processor at may peak performance na 13.6 giga-flops. Kaya nitong mag-analyze ng petabyte of data per second. Dahil dito kayang kaya na ng Pilipinas na mag-simulate ng scenarios na pwede nilang maging basis para sa weather engineering.

Wasar

2. Mahigit Dalawang Libong (2000) Sensors na ang operational sa buong Pilipinas na nakalagay sa mga strategic na lugar, itong sensors na mga ito ay may kapabilidad na magbigay ng real time data para sa humidity, atmospheric pressure, temperature at water level sa isang lugar. Dahil dito kayang kaya ng mapag-aralan mabuti ng mga syentipiko at experts ng DOST ang takbo ng isang weather system at magkaron ng mas maayos na data para makita ang mga alteration points and conditioning opportunities na kailangan sa weather engineering.

Sensors

3. Short Range Satellites ay operational narin sa ibang mga lugar sa bansa, ito ay may kapabilidad na masurvey at makita ang cloud activity sa mas localized na approach, ito ay matatagpuan sa Stratosphere. Nakikita nito ang cloud activity sa isang lugar at nagbibigay ng realtime data ng isang cloud cycle sa isang weather system. Ang cloud activity at cycle ay importante para mas maintindihan ang galaw ng isang cloud system kasama nito ang mga ilan pang mga factors para maka-apekto sa galaw nito.

Satellites

4. High Altitude Balloons, ito ay kagaya ng balloons na gamit ng Google upang makapag-serve ng internet sa ibang lugar, ngunit sa atin ang gamit nito ay magpadala ng weather machine sa atmosphere natin, ito ay may dalang microwave conditioning machine na pwedeng kontrolin sa isang Intelligent Operation Center at sensors para ma-monitor ang actibidad ng clouds sa paligid nito.

Balloon

5. Intelligent Operation Center, ang DOST – PAGASA ay meron na nito, ito ay ginagamit nila upang mamonitor ang sinasaliksik at ang weather system dito at sa karatig na bansa. Ito ay pinapatakbo ng sampung (10) Datacenter at ginagamit nito ang kapabilidad ng Blue Gene/P para sa simulation at scenario conditioning.

IOC

Yan nga at may patunay na meron tayong backend o technology support upang masagawa ang ganitong pagsasaliksik at kung ito man ay magkatotoo malaki ang mai-aambag nito sa kapabilidad ng Pilipinas, di lang sa ekonomiya kundi hanggang sa depensa laban natin sa mapang-lupig na mga bansa.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

15 − 15 =