Browse By

China made Meat Loaf Nakaka-sira ng Ulo

MANILA – Ilang mga meat loaf na galing ng China ang pinaniniwalaang nagsasanhi ng pagka-sira ng ulo dahil sa ilang mga kemikal na meron daw dito. Kagaya ng melamine, papaver powder at diacetylmorphine na muling ginagamit daw ng ilang manufacturer sa China bilang pampalasa at pampa-buo ng kanilang produkto.

Wasak

Ayon sa pagsusuri ng Bureau of Food and Drugs (BFAD / FDA) may ilang mga meat loaf na mula sa China ang may lamang melamine, papaver powder at diacetylmorphine na malaki ang epekto sa development at normal na function ng utak, at pati narin sa bato ng tao. Ito daw ay ginagamit ng ilang manufacturer sa  China upang makatipid sa pampalasa at pampadikit ng mga karne na ginagamit sa pag-gawa ng meat loaf.

Ang melamine ay parang gatas na substance na napagkakamalang source ng protein, ngunit ito ay toxic na substance mas lalo na sa kidneys ng tao at kung ito man umabot at ma-imbak sa utak ng tao, pwede ito mag-cause ng hallucination effect at pagtigas ng midbrain, na pwede ikamatay ng tao.

Ang papaver powder ay dinurog na opium, ito ay nakakatuyo ng utak mas lalo na sa parte ng midbrain at ang unang tinatamaan nito ay ang nerve fibers papuntang mata at ilang parte ng katawan. Pag nasobrahan sa ganito ay makikitaan ang biktima ng labis na pagkahilo, anxiety, hallucination at pagsusuka.

Ang diacetylmorphine ay ang nakikitang chemical sa heroin, ang epekto nito ay ang pag-shunt ng mga nerve endings at pagiging manhid. Pag nasobrahan nito ay pwedeng maging sobrang manhid ng tao at ikamatay nito, at ang long term effect nito ay ang pagiging sobrang slow dahil sa pagtigas ng ilang mga nerve fibers din ng utak at pagkatuyo ng dophamine sa midbrain.

Ilang mga pasyente sa PGH – Mental Hospital ay sinuri kung may correlation talaga ang mga meat loaf na galing sa China ay talagang nakakasira ng utak. Lumabas sa pagsusuri 73% ng bagong pasok na pasyente na napag-alaman na nagco-consume ng 3 cans ng particular brand per 3 days ay nasiraan ng ulo. At ilan sa kanila ay nag-mamanifest ng mga sumusunod na simtomas:

1. Mabagal o sobrang bagal mag-respond sa mga tanong

2. Nakakakita ng mga kung ano anong figure sa paligid kagaya ng mukha ni Jackie Chan

3. Di kontrolado ang pag-dumi at pag-ihi kahit kausap ng mga nanunuri

4. Gustong manirahan sa Spratlys

5. Nang-aaway ng kapit-selda o room at naniniwalang sila ang kaligtasan

Nakakabahala talaga ang mga ganito. Kaya pinag-utos ng Department of Health (DOH), Department of Trade and Industries (DTI) na i-pull out lahat ng meat loaf sa grocery na mag-positive sa test ng mga nasabing kemikal na nakakabaliw at nakaka-sira sa katawan ng tao.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

eight + 3 =