Browse By

Cable Car mula Agoo Paakyat ng Baguio Pinaplano

BAGUIO – Ilang mga engineers at urban planners mula sa Baguio at Agoo ay nagsama-sama upang pag-usapan ang planong paglalagay ng Cable Car Transport System na magsisimula sa Agoo paakyat ng Baguio.
Cable

Ang nasabing proyekto ay naglalayon na mapabuti ang turismo ng dalawang syudad at makadag-dag bilang isang medium of transportation na nagkokonekta sa iba’t ibang bayan na madadaanan nito. Ayon sa mga engineers at urban planners na kayang kaya ng lupa ang mga kakailanganing structures ng nasabing project, di rin poproblemahin ang lindol dahil lalagyan nila ito ng rollers at mas matibay na mga lubid, mas matibay pa sa ginamit nila sa Ngong Pin 360 ng Hongkong. Sinisigurado din ng mga designers na magiging green structure ito dahil sa wind at solar ang magpapatakbo sa mga cable cars.

Ang Cable Car Transport system na ito ay mag-teterminate sa Green Valley at magkakaron ng transfer platform na magkokonekta sa linya ng Disneyland Resort Philippines kung sakaling matuloy ang proyekto nilang magpatayo dito.