Browse By

Bullet Train mula Batangas hanggang Ilocos Norte Pinanukala

MANILA – Department of Transportation (DOTrans) nagpanukala na magkaron ng Bullet Train mula sa Batangas hanggang Ilocos Norte upang makatulong sa transportation ng mga Tao at Produkto mula sa mga dadaanang bayan.

Ayon kay Sec. Joseph Abaya ng DOTrans na malaki ang magiging tulong nitong Bullet train para mas mapabuti ang ekonomiya ng bansa. Base sa ilang mga pag-aaral na ang mahabang byahe ay nakakapag-pababa ng kalidad ng produkto at utak ng tao, na kung saan malaki ang epekto nito sa komersyo at workforce ng isang bansa. Para mapanatili ang growth ng isang bansa kailangan talaga natin magkaron ng Bullet Train or kahit ano pa mang mas mabuti at mabilis na mass transportation.

Train2

Ang unang linya ng Bullet Train ay tatahakin ang mga bayan at syudad na nasa gilid ng western Luzon, magsisimula sa Batangas at magtatapos ang linya nito sa Ilocos, kung magiging successful ito, gagawin din daw ito sa Eastern Luzon at mag-memeet ang mga linya sa Quezon Province at ikokonekta sa eastern Islands ng Visayas patungong Mindanao. Magkakaron naman ng sub-lines para sa iba pang isla ng Visayas at lugar sa Mindanao.

TrainIto ang proposed na unang linya na magmumula sa Batangas. Napag-alaman din namin na ang magiging provider ng Bullet Train ay ang Japan para masigurado na maayos at tama ang technology na gagamitin, gusto rin sanang makibid ng China kaya lang baka sirain ito at laging may topak.

Kung ito may ay mangyayari sa mas mabilis na pagkakataon, malaking tulong ito sa bansa.