Browse By

Tuba at Baguio Benguet Pinagpipilian tayuan ng Disneyland

BAGUIO – Paanan ng Mt. Cabuyao sa Tuba Benguet at Bakakeng Central Baguio City, pinagpipiliang patayuan ng Disneyland Resort ayon sa may-ari ng nasabing prestihyosong theme park.

Ang Disneyland Resort ay isang prestihyosong theme park sa Amerika na unang itinayo nuong July 17, 1955 sa Anaheim California. Ang theme park na ito ay hango sa mga character ng Disney Cartoons na katulad nila Mickey Mouse, Pluto at marami pang iba, sikat na sikat ito sa America, sumisikat lalo sa Asia nung magtayo sila sa Tokyo, Japan at Hongkong, China. At ngayon sila ay nagpaplano na mag-expand pa lalo sa Asia sa pamamagitan ng pagpapatayo pa ulit ng isa pang theme park nila sa isa bansa sa Southeast Asia. Ang pinagpipilian nila ay ang Indonesia, Malaysia at Philippines.

Baguio Disneyland

Ngunit nung nakaraang taon, nag-close in ang Disneyland Resorts Corp., na sa Philippines nalang itayo ang susunod nilang Theme Park – Resort. Ayons sa pamunuan nila na sa Clark Green City ito itatayo, ngunit nitong nakaraang buwan lang ay nagbago ang isipan nila dahil sa mainit na panahon dito at naghanap ng bagong lokasyon. Nasama sa listahan ng bagong pinagpipilian ang Tagaytay, Baguio, La Trinidad at Tuba, nitong umaga lamang ay nag-announce sila na nagbawas na sila ng pagpipilian at nakapag-close in sila sa Bakakeng Central Baguio at Mt. Cabuyao, Tuba Benguet.

Sabi rin ng pamunuan ng Disneyland Resorts Corp., na ang itatayo nila dito sa Benguet na Theme Park – Resort ay isang kakaiba na bersyon dahil sa mga sumusunod na feature:

1. Mas localize ang dating ng theme park, gagawa sila ng Igorot version ni Mickey Mouse at Buzz Lightyear.

2. Dito nila itatayo ang pinaka-mahaba at pinakamataas na roller coaster.

3. Pinaka-mataas at malalim na Abyss Ride.

4. Magkakaron ito ng upper at lower portion na kung saan ay ikonokonekta ng mahabang linya ng cable car.

5. Magkakaroon ito ng sariling train line na konektado sa isang bus station ng Victory Liner.

6. At magkakaron din ito ng sarili nyang airport, ito daw ay para maiwasan ang congestion at pagka-turn off ng mga bisita dahil sa pangit na serbisyo ng NAIA.

Pinagpaplanuhan ng pamunuan nila na magbukas ang theme park sa December 2021. Sinisigurado din nila na ang pagbukas nito ay makakatulong sa turismo ng bansa mas lalo na sa Benguet.

 

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

three × two =