Browse By

Pogi Festival sinusulong sa Dagupan

DAGUPAN – Isang  grupo sa syudad ng Dagupan sa Pangasinan ang nagnanais na magkaron ng Pogi Festival. Ito ay upang ipakita ang taglay na kapogian ng mga taga-Pangasinan at kung ano daw ang taglay na kakayanan ng mga taga-dito.

Ayon sa grupong Aliguas Kapogian, may statistics daw na nagsasabi na ang Dagupan ang may pinakamaraming pogi kumpara sa lahat ng syudad sa buong Pilipinas. At dahil dito ninais nila na gawan ito ng isang festival upang mas maipakita sa mundo na talagang maraming pogi dito. Gagamitin na din daw ang festival na ito para sa turismo narin ng Dagupan.

PogiFestival

Sabi din ng mga organizers na may apat silang world record na gustong maabot at makuha sa araw din ng Pogi Festival ito ay ang mga sumusunod:

1. Pinakamaraming pogi na sumasayaw – gagawin daw ito sa lahat ng kalsada at open spaces sa Dagupan, na kung saan sabay sabay daw na sasayaw ang lahat ng kalahok na pogi.

2. Pinakamaraming pogi na sabay sabay kumakain ng bangus – pagkatapos ng sayawan, lahat ng kalahok na pogi ay kakain ng bangus na inihaw ng sabay sabay.

3. Araw na walang pangit na lalaki sa daan – gagamitin din daw ang araw upang ipakita sa buong mundo na kayang tanggalin lahat ng pangit sa lansangan.

4. Pinakamalaking pagtitipon ng mga pogi – magiging daan din ang festival upang maging pinakamalaking pagtitipon ng mga pogi sa buong mundo.

Sa araw din ng festival ay magkakaron ng tugtugan at kantahan ng iba’t ibang banda na may poging bokalista at magagandang dancers, may outreach program din daw sina Calayan at Belo sa araw na yun upang magretoke ng mukha ng mga pangit at gawin silang pogi. At marami pa daw iba’t ibang masasayang event.

Maaring gawin daw ang festival sa dadating na January 21, 2015. Sana maraming pogi na makadalo dito at maghasik sila ng kagandahang mukha.