Browse By

Limang Dahilan kung Bakit Umatras si VP. Binay sa Debate nila ni Trillanes

MANILA – Ngayong araw lang na ito kumalat ang balitang umatras si VP. Binay sa hamong debate ni Trillanes sa kanya patungkol sa issue ng katiwalian. Ano kaya ang mga dahilan ni VP. Binay kung bakit sya umatras?

Mula sa ilang mga pahayagan ito daw ang dahilan na nakuha nila mula sa spokesperson ni VP. Binay na si Remulla. “VP. Binay feels that it is a deservice to the survivors of Yolanda”. Hindi bumenta sa nakakararami ang dahilang ito, kaya aming tinawag ang expert Conspiracy Theorist namin na si Joel Antiselmo, at ito daw ang maaaring dahilan kung bakit sya umatras.

BvsT

  1. Pwedeng inusisa ni VP. Binay ang KBP at ilang mga istasyon ng TV at Radyo, at nakita nya sa survey na kulang pa ang marketing ng debate nila, at mukhang walang kikitain ang sagutan nilang dalawa ni Trillanes, at ang grand standing ng iyak ni VP. Binay habang sila ay nagbabakbakan.
  2. Mas pogi si Trillanes kaysa kay VP. Binay, at baka sa papogian palang ay lampaso na ito, at pwedeng maging dahilan pa ang debate para maagang makapag-kampanya si Trillanes, karamihan pa naman daw sa Filipino Voters mahilig sa pogi.
  3. Ikayayaman ito ni Trillanes, pwedeng mas malaki ang ibayad kay Trillanes, dahil nga pogi sya, at sya rin ay ka-alyado ni PNoy at paborito ito ng mga TV Stations, ma-pupusoy lang nga naman dito si VP. Binay.
  4. Pwede ring pinuntahan ni VP. Binay ang venue, at di ganun kaliwanag ang lugar, lalabas lang sya na parang anino sa camera, at baka di mapansin, at syempre si Trillanes lang ang ma-highlight kasi nga maputi at mas pogi sya.
  5. Maaari na ang dahilan ay ang gusto talaga ni VP. Binay ay boxing at hindi debate, yun lang di pumayag ang kampo ni Trillanes, kasi nga mas maputi at pogi si Trillanes at dihado ito sa mga pasa, kay VP. Binay di kita, pero kay Trillanes labas na labas, lugi talaga yun.

Ayun nga ang theory ni Joel Antiselmo at mukhang mas kapani-paniwala ito bilang dahilan kaya umatras si VP. Binay sa debate nila ni Trillanes.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

5 + 3 =