Browse By

Lalaki Nagpatiwakal ng di Mabili ang Smartphone na Gusto

PASAY – Isang lalaki ang nagpatiwakal sa kahabaan ng Roxas Blvd., matapos umanong di mabili ang gustong Smartphone sa Robinson’s Galleria kanina.

Floating

Ang biktima na si Tonyo Sotto, 29 y/o na taga-Pasay ay miserableng lumabas sa isang store sa Robinson’s Galleria matapos nitong hindi mabili ang pinapangarap niyang Dual Sim na Smart Phone na mukhang iPhone 6 nakaraang November 16, 2014. Sa lungkot nito ay umuwi nalang ng Pasay, at mga bandang hapon, pumunta ito ng Roxas Blvd., at tumalon sa Manila Bay. November 17, 2014 ng umaga nung mahanap na ang katawan ng biktima.

Aming pinanayam ang kanyang pamilya tungkol dito, kung ano masasabi nila sa di katanggap tanggap na dahilan para magpatiwakal. Ayon sa pamilya nya “Punyeta namang Smart Phone na yan, bakit ka magpapakamatay dahil hindi lang mabili ang punyetang gadget, papalibing nalang agad yan, wala talagang kwentang bata yan.” 

Kakaiba talaga ang pangyayaring ito, bakit may mga taong handang magpakamatay para lang sa gadget.