Browse By

Lalaki Hinostage ang Kasintahan para paka-inin ng Strawberry

BUGIAS – Isang babaeng taga Bugias Benguet ang hinostage ng kanyang kasintahan matapos itong humindi sa pagkain ng kalahati ng kambal na strawberry.

Kinilala ang biktima sa pangalan na Karen at ang nang-hostage na si Jefferson Alinsanag na parehong tubong Bugias Benguet. Ayon sa mga saksi, sweet pa ang dalawa nung umaga at nagsusubuan ng strawberry, pero ng makakuha daw ng kambal na strawberry si Jefferson, at kinwento nya ang alamat sa likod ng kambal na strawberry ay biglang umayaw si Karen na isubo ang kalahati nito. Narinig pa nga daw ng mga saksi ang pabirong sigaw ni Karen “Nagpapaniwala ka dyan damuho ka, basta hindi ko kakainin ang kalahati nyan, pangit na to.” Dito na nagsimula ang tensyon, hindi tinanggap ni Jefferson ang biro kundi sineryoso nya ito at tinutukan ng patalim ang kasintahan. Agad namang tumawag ang mga kapitdbahay nila ng mga pulis upang matigil ang hostage. Inabot din ng anim na oras ang hostage crisis bago napasuko si Jefferson.

Aming inusisa ang mga pulis kung pano nila napasuko si Jefferson, ayon sa kanila humiling daw na magpadala ng pari at dapat makasal sila sa araw din na yun para kahit di kinain ni Karen ang kalahati ng strawberry ay magkakasama parin sila habang-buhay, at dahil dito nagpasuot kami ng isang taga-nayon ng sutana upang magpanggap na pari, at ng makita ni Jefferson ito ay agad syang huminahon at dun naman sya nahuli ng mga pulis. Sasampahan si Jefferson ng Grave misconduct, Physical Injuries, Attempted Murder and Public Scandal.

Iba na talaga ang epekto ng alamat ng kambal na strawberry na yan sa kabataan. Sana talaga hindi na maulit ang ganitong problema at kaso, at sana masabihan ng mga magulang ang kanilang mga anak na kung ano man ang kanilang napapanuod sa TV ay hindi lahat totoo.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

16 − 13 =