Browse By

Baguio, Trinidad at Tuba Benguet Nagkakaubusan ng Strawberry

BAGUIO – Nagkakaubusan ng strawberry ngayon sa mga farm sa paligid ng Baguio, Trinidad at Tuba Benguet, ito ay dahil sa pag-trending ng “Alamat ng Kambal na Strawberry” sa tv series na Forevermore ng ABS – CBN.

Kambal Strawberry

Ayon sa ilang mga farmers buhos daw ngayon ang orders ng Strawberry mula sa iba’t – ibang parte ng Pilipinas, ito daw ay matapos mag-trending ang “Alamat ng Kambal na Strawberry” mula sa tv series na Forevermore ng ABS – CBN. Ang alamat ay nagpapatungkol sa strawberry na kambal, na kung saan ang dalawang taong kakain nito ay wagas na magmamahalan. At dahil dito karamihan ng mga nag-oorder ay magkakasintahan o kaya naman ay nagliligawan na kung saan gusto makakuha ng kambal na strawberry at yun ay kanilang ipapakain sa kanilang napupusuan, kapareha o kasintahan.

At dahil sa pagboom ng mga order sa Strawberry at pagkahumali ng mga mamimili sa kambal na strawberry, ilang mananaliksik sa Benguet State University ang humahanap ngayon ng paraan para mas maraming lumabas na bunga na ganitong klase. Ayon sa kanila worth-ed naman daw ang oras dito kasi pag matagumpay nilang magawa ito ay makakatulong sa local industry ng strawberry at turismo.

Totoo man o hindi ang alamat, pero nakaka-aliw malaman na maraming tao ang naghahanap at gustong maghandong ng wagas na pag-ibig.