Browse By

Babaeng Nasobrahan sa Paayos ng Mukha di Makalabas ng Bansa

CEBU – Isang dalaga ang hinarang ng Bureau of Immigration (BOI) na papuntang Hong Kong, dahil sa hindi nya kamukha ang litrato na nasa passport nito.

UglyFishNapag-alaman na si Ms. Jocelyn Pruki na tubong Negros Occidental ay hinarang ng mga ahente ng BOI sa Cebu International Airport dahil sa pagkakaiba ng mukha nito sa nakalagay sa kanyang passport. Ipiniit sya pansamantala sa opisina ng BOI para maimbistigahan kung siya ba talaga yung nasa litrato.

Ayon kay Ms. Jocelyn Pruki retokada sya, maraming inayos sa mukha nya para matanggap sya bilang modelo ng sabon sa Hong Kong. Ginawa syang mukhang intsik ng kanyang plastic surgeon na umabot hanggang sa hindi na talaga sya makilala. Dahil dito nagkaproblema sya sa kanyang passport. Sabi naman ng BOI na, i-update na lamang nya ang kanyang itsura sa passport at kumuha ng affidavit kalakip ang medical certificate na sya ay retokada.

Dahil dito nagbabala ang BOI na kung magpapa-ayos man ng mukha, huwag lang sobrahan na aabot sa pagkakataong hindi na makilala ng awtoridad. At sa ganitong mga kaso, pwede ring mapagkamalan kang Illegal Alien na mabigat ang kaso sa Pilipinas.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

1 + thirteen =