Browse By

Babae Patay sa Gutom Matapos Patulan ng Kaibigan ang Post sa Facebook

DAVAO – Isang babae ang patay sa gutom matapos patulan ng mga kaibigan nya ang post nya sa Facebook na hindi nya kakainin lahat ng ipopost ng kanyang mga kaibigan.

Kinilala ang biktima bilang Mari Carnado na dead on arrival sa Davao General Hospital matapos di kumain ng 2 weeks matapos patulan ng kanyang mga kaibigan ang post nya na “List out all the foods you don’t want me to eat for 1 month.” Dahil dito nilista ng kanyang mga kaibigan ang lahat ng pagkain na maisip nila, meron pa nagpost ng isang buong menu.

starv

Ayon sa kaibigan nya sineryoso daw niya ang tungkol dito at hindi kumain. Ng makita sya ng kanyang mga kaibigan ay wala ng malay sinubukan nila itong itakbo sa ospital. Ngunit pagdating nya sa ospital ay nalagutan na ito ng buhay. Ayon sa autopsy ng mga doctor sa Davao General Hospital, ang sanhi ng pagkamatay nya ay dahil sa kalabisan ng gutom at dehydration.

Maging aral sana sa lahat ito na huwag seseryosohin ang mga post sa facebook, at laging unahin ang pansariling kasulugan. Huwag papadala sa kung ano ano mang hamon na makakasama sa iyong katawan.