Browse By

Anonymous PH Nagtawag ng Masked Nudes Protest Bukas

MANILA – Mula nung Lunes ilang mga website ng gobyerno ang na-deface ng mga hackers, ito ay bilang paghahanda sa Million Masked Nudes Protest bukas November 5, 2014. Ito ay bilang protesta laban sa korupsyon sa gobyerno at iba pang mga issue na hindi parin masagot sagot.

Ang protesta ay magsisimula ng 9:00 am bukas, inaasahang libo libong mga nakamaskarang hubad na mga protesters ang dadating bukas sa Rizal Park upang ipagsigawan ang kanilang ipinaglalaban. Iginiit naman ng mga organizers nito na magiging mapayapa ang protesta, at hindi nila pababayaang magulo ang buong event.

Aming inusisa naman ang dahilan kung bakit kailangan pang nakamaskara at hubad ang mga lalahok sa protesta bukas. Ayon sa isang follower na si Codename MJ “Ang maskara ay simbolo ng pagiging anonymous, hindi ako, hindi ikaw, kundi lahat tayo, boses ng isa, at bakit hubad, ito ay nagsisimbulo na dapat hubarin at tanggalin ang korupsyon sa sistema ng ating mga buhay, dapat mawala na ang mga tiwali sa bayan, at ito ay magsisimula sa atin.”

Masked

May ipanaglalaban talaga ang Anonymous Philippines, ngunit ang tanong ng nakakarami, tama ba talagang mag-deface ng mga website? O may solusyon ba silang dala, kaysa puro protesta lang? Kung ano man ang sagot nila, sana ito ay tunay na pakiki-isa sa adhikain ng nakakarami na mawaglit na ang sa sistema ng sosyodad natin ang korupsyon.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

17 − fifteen =