Browse By

Singkwentang Container Van ng Condom hindi Mailabas sa Port

MANILA – Singkwentang container van na naglalaman ng condom na nagkakahalaga ng 20 million pesos ang hindi parin mailabas sa Port of Manila ito daw ay sa kadahilanang hindi pa daw nagcocomply ang importer sa mga release papers na kailangan.

Aming kinausap ang kompanyang Kapote Heads Inc. na nag-import ng mga condom, sabi nila “Kompleto naman na ang aming mga papeles, nai-submit naman na daw lahat ng kanilang broker ang kailangan, ewan ba namin at bakit iniipit pa ang mga shipment namin ng condom.” Amin ding kinausap ang kanilang broker at ito ang sabi nila “Naisubmit na lahat, kaya lang yung mga tao nila sa loob ng Bureau of Customs (BOC) parang nagpaparinig ng lagay para marelease na. Eh malinis kami maglaro, hindi namin gagawin yun.”

Agad namang pinabulaanan ng BOC ang bintang ng kompanya, “Kulang lang talaga ang kanilang papers, at hindi naman kami humihingi ng lagay.” Pinakita rin ng BOC sa amin ang 2 pages na listahan nila ng kulang na papers tulad ng Payment for Security Check and Alert Free Shipment.

Sana ay maayos na kaagad ito, dahil maraming binata ang mangangailangan nito pagsapit ng taglamig, dahil hindi maiwasan ang mga kalabit tuwing malamig ang simoy ng hangin. At pag nailabas na ito malaki rin ang magiging tulong nito sa population control.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

12 − 10 =