Browse By

Pusa Ginahasa ng Naka-hitit ng Dragon Katol

DAGUPAN – Isang lalaki umano na taga Perez, Dagupan City ang inireklamo ng kanyang kapitbahay sa kadahilanang ginahasa daw umano nito ang kanyang alagang pusa.

Alas-diyes umano ng gabi ng marinig ni Manong Arthur Almeda ang pusa nya na umiiyak na parang hirap na hirap, akala niya ay naipit o na-trap lamang ang pusa nya. Ng babaan ng may-ari ang kanyang pusa, nahuli nya sa akto na ginagahasa ito ni Jingle Jimenez. Agad namang kinuha ni Manong Arthur ang baseball bat upang gamiting panghampas kay Jingle upang tumigil ito sa kanyang ginagawa. Agad syang humingi ng saklolo sa mga tanod na nagkataong rumoronda sa paligid ng mabulagta ang lalaki pagkatapos itong mahampas.

Pusarap

Agad namang dinala si Jingle sa barangay hall at ikinulong. Aming kinuhanan ng salaysay si Jingle tungkol sa nangyari, “Pasensya na po sa aking nagawa, sabog lang po talaga ako, naka-hitit kasi ako ng dragon katol kaninang hapon, ang tingin ko kasi sa pusa parang si Angel Locsin eh, pasensya na po talaga di ko po sinasadya, sana po mapatawad nyo po ako.”

Nang-gagalaiti naman si Manong Arthur ng aming tanungin kung ano ang mga susunod nya na hakbang dahil sa pangyayari, “Dapat talaga ibalik ang death penalty, matindi na ang panahon ngayon, dapat dyan kay Jingle ma-silya elektrika, grabe ang ginawa nya sa pinakamamahal kong pusa, hindi makahayop yun, masahol pa sya sa demonyo.”

Ayon sa mga tanod, itutuloy daw ng may-ari ang reklamo laban sa akusado para magsilbing aral sa mga manyak dyan na pati mga alagang hayop di pinapatawad.