Browse By

Pagkikita ni Pacquiao at Binay tungkol sa Boxing

SARANGANI – Nagpabalitang dinalaw ni VP. Jejomar Binay si Cong. Manny Pacquiao nitong nakaraang araw lamang. At ang pagkikita daw na ito ay tungkol sa politika, kung saan niyaya daw si Manny Pacquiao ni VP. Binay upang maging running mate nito sa dadating na 2016 election.

Pero marring pinabulaanan ito ni VP. Binay, sabi nga nya “Hindi kami nagkita para magplano para sa 2016, kundi sa 2015, gusto ko siyang hamunin ng boxing sa April next year, kung sabagay ayaw naman pumatol sa kanya si Mayweather ako nalang, kakulay ko naman eh, pwede na yun.”

Aming sinubukang kausapin si Manny Pacquiao tungkol dito, anya sa congresmman – boxer – basketball player “Pwede naman kaming magtunggali, but my worry is, can he handle my punches, can may punch marks be seen on his skin and the like, at isa pa he has to train starting now, baka kasi di nya kayanin”

Nagtanong din kami ng mga eksperto tungkol dito, ayon sa kanila “Mukhang kailangan humabol ni VP. Binay sa bigat ni Pacquiao para makapantay sya, pag sabi naming bigat, sa katawan hindi sa kaperahang laman ng bulsa, na kung saan lamang parin talaga sa VP. Binay.” Sabi naman ng ibang eksperto, “Huwag nalang boxing, mag-muay-thai nalang sya, kasi mas magaling sya mag-kick-back, mas kaya nya yun, mas magaling sya dun.” 

Pacman

Ano pa man ang sabihin ng mga eksperto, mukha nga naman pwedeng magtunggali ang dalawa sa ring, kung sabagay mukha naman talagang boksengero si VP. Binay, sa Makati palang matindi na ang kabig sa city hall building 2 na pinatayo nya, ano pa kaya pagdating sa ring. Yun lang kung sa tunay na suntok makalusot kaya sya?

Kakapasok lamang na update…

Ayon sa mga hahawak na promoter ng laban ay si Bab Arum ng Top Rank promotions. Ang magiging trainer ni VP Binay ay si Floyd Mayweather Sr., at ang kanyang sparing partner sa training ay si Mar Roxas, habang si Manny Pacquiao naman ay si Freddie Roach parin, habang ang sparing partner nya naman ay si Kim Henares…