Browse By

MRT Gigibain para Masolve ang Problema sa Traffic sa EDSA

MANILA – Itong mga nakaraang Lingo lang ay tumindi lalo ang traffic sa EDSA, umaabot ng tatlong oras ang byahe mula Magallanes hanggang Balintawak. At malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas, na umaabot ng Php. 20M bawat araw. Dahil dito naghahanap ng solusyon ang Department of Public Works and Highway (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA).

stack

Maraming solusyon ang tinitignan ang MMDA katulad ng paglalagay ng 2nd level na daan sa EDSA, o kaya naman paglalagay ng subway at pagpapabawal ng mga private cars. Ngunit may isa pang tinitignan na outside the box solution, ito ay ang pag-giba sa MRT (Metro Rail Transit) na makikita ngayon sa kahabaan ng EDSA mula sa Taft hanggang North EDSA. Ibeberepika din ng dalawang ahensya kung ito ay papayagan ng batas upang masimulan na ang pag-demolish dito.

Aming inusisa ang mga engineers ng dalawang ahensya kung ano ang kanilang dahilan kung bakit nararapat ngang gibain na ang MRT, sabi nila “Kung lagi ding nasisira ang MRT bakit hindi nalang gibain, malaking sagabal lang yan sa EDSA, kung ipakilo nalang natin yan magkakapera pa ang bansa, saka luluwang pa ang EDSA dahil dagdag pa yun na lane.” 

derailed-train

Ang punto din ng mga engineers ng DPWH at MMDA ay bakit pagtutuunan pa ng pansin ang di naman ganun kaayos na facility, naaaksidente, di maayos na pagtigil at laging sira talaga. Kaya kung sabagay nga lang din naman bakit hindi nalang tanggalin at ayusin nalang ang pinagtanggalan para maging dagdag na lane ng EDSA at makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa buong kahabaan nito.

Aming tinanong ang side ng MRT Mangement Group tungkol sa panukalang ito. Ito naman ang sagot nila “Di pwedeng basta basta alisin yan, may investment na ang gobyerno dyan, saka nakakatulong naman yan sa masa, saka laging nasisira kasi kulang nga sa pondo at kulang din kami sa bagon, kaya sana maayos na din ito at para mas mapakinabangan ng ayos.” 

Kung tatanggalin man o hindi ang MRT, ang importante lang naman ay ikakabuti ng lahat ang hakbang ng mga iba’t-ibang ahensya ng bansa.