Browse By

May Bagong Aktibidad Ang Mga Sawi sa Pag-Ibig

visit-my-2014

KUALA LUMPUR – Inilunsad noong nakaraang lunes (Oktubre 13, 2014), ang isang kampanya ng bansang Malaysia ukol sa turismo.

“Malaysia Truly Asia” ay nakatuon ngayon sa mga ibang asyano upang bisitahin ang kanilang bansa. “Time to Explore” ayon sa kanilang website (http://www.tourism.gov.my/en/ph/). Ito ay programang inilunsad ng bansang Malaysia para sa mga kapwa asyanong may mga pinagdadaan sa buhay pagibig.

Nauunawaan ng bansang Malaysia ang sentimiento ng mga kapwa asyano, at tugon na rin sa tumataas na antas ng mga pagpapatiwakal ng mga asyano (pumapanglima ang bansang Pilipinas). Ayon sa pagaaral – malaking bilang ng mga kaso ng pagpapatiwakal ay sa kadahilanang sawi sila sa pagibig.

Tara na! at ating bisitahin ang bansang Malaysia “Time to Explore”, ika nga nila. Dahil may oras na tayo para sa ating sarili pagkatapos ng isang relasyon. Kung papalarin ay baka sa Malaysia mo pa matagpuan ang iyong tadhana.

UPDATE:

Nakapanayam namin ang isang sa mga Pilipinong unang nakipagugnayan sa isang Tourism Partner ng Malaysia dito sa Maynila. Ayon sa salaysay ng parokyanong nais na itago ang kanyang pagkatao;

“Magaling ang bagong kampanya ng Malaysia. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko matapos ako masaktan.”

“Nag-email lang ako at kinabukasan ay tumawag na sa akin ang isang travel agent. Agad kaming nagkita at sa karagdagang P500 (limang daang piso) ay ikukubli nila ang aking tunay na pagkatao at layunin sa pagpunta ng Malaysia.”

“Business Trip ang nakalagay sa Visa Application ko – magaling talaga”