Browse By

Horoscope Diyes Disesyete Dalawang libo’t Apat

TAGALOG HOROSCOPE NGAYON
via PSN

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) – Walang magiging sagabal sa binabalak sa pagtatapat ng saloobin. Samahan ng dala­ngin ang gagawing pagtatapat upang positibong makamit ang mini­mithi. Malamang magkaroon ng magandang relasyon sa isang bagong kakilala. Naaayon ang panahon para samahan ang mga kaibigan. Malulutas ang mga bagay na madalas na gumugulo sa iyong isip. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at red rose.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) – Tungkulin ang sumunod sa nakakataas. Magi­ging masungit at makasarili ang iyong ugali ngayon, na dapat iwasan. Huwag masamain ang anumang iuutos ng nakakataas. Matutong magtimpi ng damdamin at maging mahinahon sa anumang sitwasyong mangyayari. Iwasan ang magalit at magmura. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 13, 40 at silver gray.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) – Ikaw ang maliit na makakapuwing. Ikaw rin ang maliit na makakasikip sa daigdig. Iwasan ang magkaroon ng alitan at tiyak hindi papatalo kahit wala sa katuwiran. Iiral ang pagka-arugante na dapat iwasan dahil kung mapapasubo, gulo lang ang kahihinatnan. Ang dapat gawin ay libangin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 39 at blue and white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) – Mapaghinala ang kasintahan o ang minamahal kaya kaunting ingat kung may itinatago. Ang tipanan sa pag-ibig o date ay hindi angkop at dapat ipagpaliban sa ibang araw. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Isang alaala ang makapagbibigay kagalakan sa damdamin at puso. Masusunod ang kahiligan at mahirap matanggihan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Ang mga katulong sa pamamahay ay dapat tumanggap ng makataong pagtingin at pang-unawa. Palawakin ang sirkulo ng pakikipag-kapwa tao maging sa mga kapus-palad. Maging mapamaraan sa pakikibagay at tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o sa gawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 22, 36 at old rose.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Ngayon ang pagkakataon na maipakita ang kakayahan at katalinuhan sa trabaho. Kahit gaano kahirap ang buhay kung paiiralin ang sipag at tiyaga, makakaahon. Naaayon ang panahon sa paglalakbay. Iwasan ang malungkot at magalit. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Angkop ang panahon sa pakikipagsundo sa dating nakasamaan ng loob. Ang pagkakamali ay makatao, ang magpatawad ay maka-Diyos. Magi­ging maganda ang pasok ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) – Hindi napapanahon upang baguhin ang dating mga bina­balak. Huwag padadala sa sulsol ng iba. Gawin ang anumang gustong mangyari kung ito’y makakabuti sa lahat at sa sarili. Ang mga kasamahan sa gawain ay nangangailangan ng gabay at payo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at yellow.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) – Angkin mo ngayon ang lakas na ESP na makaka­tulong sa kaibigan na may malaking suliranin. Lumalandas sa kaunlaran ang pakikibaka sa mga gawain. Panahon nang ilantad ang kakayahan at estilo sa nakaatang na mga gawain. Ang kaalaman ay kailangang ibahagi sa mga nasasakupan upang makagawa ng tamang paraan. Patuloy ang kaunlaran sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) – Isang meaningful gift ang matatanggap ngayon. Matalas ang kaisipan kaya madaling matuto sa anumang bagay lalo na kung leksiyon sa paaralan. Kung paglalaanan ng panahon ang pag-aaral, tiyak makakamit ang mataas na grado. Matutu­gunan ang mga mahalagang pangangailangan kung hahanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at jade green.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Makakatagpo ng bagong kaibigan sa pagtitipon na dadaluhan. Iwasan ang mabasa ng ulan o ambon dahil madaling kapitan ng sipon o trangkaso. Huwag magpatuyo ng pawis sa katawan dahil magi­ging mahina ang pulmon. Posibleng makatanggap ng impormasyon tungkol sa trabaho o negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 36, 34, 30 at peach.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Kung makakatagpo ng taong sasalungat sa panukala, huwag mawalan ng lakas ng loob sapagkat nakataya ang sariling kapakanan. Mahaba ang pasensiya subalit kapag sumagad ay sisiklab na parang lumiliyab na apoy sa galit kaya hinahon ang kailangan. Mula sa taglay na karanasan, iwasan ang magkamaling muli. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40 ,41 at white.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

three + 18 =