Browse By

Anti Linta Law Isinusulong

MANILA – Ilang mambabatas ang nagpapanukala ng Anti – Linta Law. Ito ay para maprotektahan ang sino mang Pilipino sa mga indibidwal na nangingikil o kaya naman nanghuhuthot.

BrokenPinasimula ng Anakbayan party list ang pagsulong ng Anti – Linta Law, dahil tumitindi na raw ang kaso ng mga nasisirang pamilya, mas lalo na ang mga byudo o byuda na kung saan ay nakakakuha sila ng mas bata o bagong asawa. Ayun sa kanilang pag-aaral, karamihan sa mga bagong nagiging partner ay oportunista, na kung saan nirere-channel ng mga ito daw ang mga pera o ari-arian ng nalinlang na byudo o byuda papunta sa kanilang mga personal na savings. Isa ring nakita nilang manipesto ng panloloko ay pinag-aaway-away ang mga magkakapatid at ang natirang magulang ng mga ito hanggang tuluyang masira na ang relasyon ng orihinal na magkakapamilya. Na-obserbahan din nila sa kanilang pagsasaliksik na ang mga lintang ito ay pag-blackmail at idedemanda kono ang mga anak sa kung ano anong gawa gawang mga kaso, kung mahina ang loob ng mga bata o ng byudo o byuda sila ay maniniwala at di na lalaban, kaya tuloy tuloy ang panloloko ng mga ito.

Pinanukala ng Anakbayan at iba pang concern na mga kongresista na dapat may batas tayo na layong ma-identify at makasuhan ang mga mapansamantalang pangalawang asawa, kasintahan at kabit, ito ay para maprotektahan ang mga interes ng orihinal na pamilya. Ayon sa mga kongresista nakaka-awa talaga ang mga tunay na pamilya, kaya sa aming panukala, bibigyan nito ng karapatan ang mga anak na magdemanda, kahit mga lalaki o babae na nahihirapan sa kanilang kasintahan.

May punto nga naman talaga ang mga mambabatas natin. Ngunit upang mas maintindihan namin ang kaso ng mga lintang kabit, kasintahan at pangalawang asawa, aming pinanayam ang isa naming kaibigan na taga-Davao at itago nalang natin sya sa pangalang Juan. Ayon kay Juan, “matagal ng patay ang kanyang ina, at dahil binata na ulit, nagkaron ito ng mga iba’t ibang kasintahan, meron kaming nakita na kasintahan nya na akala namin ay talagang mabait kasi sa profile palang hindi nya huhuthutan ang ama namin at uubusin ang savings ng pamilya, dahil ito nga naman ay may kapatid na mataas ang posisyon sa isang kilalang bangko sa atin, na kung saan ito pala ang magiging simula ng aming kalbaryo. Itong babaeng ito sinilip ang mga bank accounts namin, at ngayon ay nililipat nya ang kaban ng pamilya namin sa account nya, pati yung mga kinikita ng negosyo namin ganun din, kaya wala na talaga halos matira para sa amin. Magaling din po syang mag-blackmail, lagi nyang sinasabi na idedemanda nya daw kami sa kung ano anong mga kaso na wala naman talagang basehan. Nagsimula na kaming lumaban sa kanya, ngunit ang kinakatakot namin ay baka saktan nya ang aming ama na utong-uto sa kanya. Hirap na hirap kami, pero kailangan naming tiisin at lumaban para sa ikaka-ayos ng pamilya namin.”

Sana nga at maipasa na ang batas na ito, at matigil na ang mga linta sa lipunan, pero sana isama ang mga lintang pulitiko.