Browse By

BIR Hinahanap ang Organization Na “Edi Sa Puso Mo”

MANILA – Hinahanap ngayon ng BIR ang organization na “Edi Sa Puso Mo” dahil nagtataka ang ahensya kung bakit marami itong empleyado ngunit walang malinaw na record ng tax declarations.

Ayon sa BIR ilang buwan na naming sinusubaybayan ang organization na ito, padami ng padami ang nagtatrabaho. At sa data na nakuha nila mula sa Facebook, 422,930 na ang empleyado nito at isang Non-profit Organization. Ngunit may pananagutan parin sila sa BIR, kailangan nilang magdeklara ng kita o anumang gastusin ng organization nila. Nakipag-tulungan din daw ang BIR sa SEC upang mahanap ang mga may-ari ng kompanya o ng organization pero hindi nila ito mahanap.

EdiSaPusoMoNaghanda na ang BIR ng isang task force para dito, kasama nila ang NBI para mag-imbistiga sa organization na to. May mga haka-haka kasi na maaaring isang Scam o Pyramiding itong “Edi Sa Puso Mo” na organization, at baka ito maka-loko pa ng mas maraming tao na talamak ngayon sa Pilipinas. Dahil sa sunod sunod na pagtaas ng dami ng empleyado nito, at karamihan ay mga bata pa ang nagtatrabaho dito, na isa ding anggolo na tinitignan ng mga awtoridad na baka ginagamit din ito sa pag-exploit ng mga bata.

Naki-usap naman ang BIR sa mga nakaka-alam ng mga impormasyon tungkol sa organization na ito ay agad ipag-alam sa awtoridad.