Browse By

TV Whitespace ang di Antenna na Internet

MANILA – Isang bagong teknolohiya ngayon ang lumabas para maging isa sa option ng internet connection. Gamit ang iyong antenna ng tv ay makakakonek ka na daw sa internet.

Gamit daw nito ang mga regular na TV antenna at may black box daw na ibibigay ang provider para makakonek sa internet. Ang haka haka dito ay kaya nya ang bilis na 16mbps at kaya daw pabilisin paglaon. Ayon sa mga eksperto, stable daw ito at malamang magiging mas mabilis pa sa meron si PLDT, Globe at iba pang provider meron ngayon para sa common consumers.

Pero may mga kuro-kuro ang ilang mga eksperto sa barberya na baka naman daw puro telesrye lang daw ang lumabas sa kanila mga computer pag nag-internet sila. O baka naman daw eh puro patalastas nalang daw ang kanila makita. Ilan din ang nababahala dito kasi baka naman maghahanap pa sila ng reception para makapag-internet, kagaya ng pihit antenna para makapanood ng basketball.

Amin namang tinanong ang isa sa mga taga-Globe. Sigurado daw silang papatok ito, nakipag-partner na nga daw sila sa ABS – CBN para dito. Ito pa daw ang malupit dahil pati text scam sagap na nito at lalabas narin sa screen mo. Talaga nga namang malupit ang kakayanan ng TV Whitespace na ito.

Ano mga kababayan handa na ba tayo sa paglabas ng TV Whitespace na ito? Yung Baron antenna ko kaya pwede dito?