Browse By

Nababangungot dahil sa mukha ng GF

MANILA – Isang lalaki ang nagshare ng kanyang kwentong kagimbal-gimbal. Ito ay tungkol sa kanyang ex-gf na kakaiba daw ang mukha…

Highschool pa lamang daw sya ng unang magkaron ng kasintahan, nadaan lang daw ang kanila pagiibigan mula sa inuman at asaran ng mga kaibigan. Sinubukan daw nya itong minahal at tiniis ang mukha nito, maganda naman daw ang katawan. Tumagal ang pagsasama nila ng anim na buwan din, ngunit isang gabi talagang sumuko na sya. Lagi daw nya itong npapanaginipan hanggang sa umabot na sa sukdulan na muntik na syang mamatay dahil sa bangungot. Umiiyak pang sinabi ng lalaki na ang mukha nya ang lagi nyang nakikita, takot na takot daw sya dito dahil sa matalim nitong tingin na parang kakainin daw sya. Kaya nagpasya nalang ang lalaki na hiwalayan ang babae at lumayo sa bayan nila. Agad naman daw pumayag ang babae ngunit ito daw ay gumupit ng kapiraso ng buhok nya.

Kasalukuyan ngayong naninirahan ang lalaki malapit sa simbahan ng Binondo at araw araw din daw syang nagsisimba para lamang makatulong na maibsan ang sumpang dulot ng dating kasintahan.