Browse By

Na-konek the Dots ang Mukha Nag-amok

CAVITE – Isang lalakeng taga-Naic Cavite ang nag-amok pagkatapos makita ang mukha sa salamin na mistulang ginawang connect the dots.

Ayon sa mga saksi tahimik na natutulog ang isang lalaki na taga Naic Cavite, na kakagaling lamang daw sa inuman kasama ang kanyang mga barkada. Napag-alaman na napagtripan daw ito ng kanyang mga barkada habang natutulog ng lasing, na kung saan nilagyan daw nila ang mukha nito ng drawing ng buwan, araw at mga bitwin na isinunod umano ang pagkaporma sa pagkasunod-sunod ng mga pimples sa mukha nito. Bigla¬†daw itong nalingat at nagising sa di malamang dahilan at nakita nga daw nito na puro sulat ang mukha, nagsusumigaw sya ng “Mga lapastangan kayong mga pisti, pag nakita ko kayo, puputulan ko kayo ng itlog, mga walanghiya kayo”¬†papalabas ng kanilang bahay at may dalang itak, at pinagtitigpas ang mga halaman sa paligid. Agad namang tumawag ng saklolo ang mga kapitbahay nito at agad namang rumisponde ang tauhan ng PNP – Naic sa pangunguna ni SP01 Trinmar Baldo.

Kasalukuyang naka-piit ngayon sa Station 7 ng PNP – Naic ang lalaki at iniimbistigahan kung ito ay nakadroga o sadyang dala lamang nag pagkayamot ang nagawa nitong pag-amok.

Nagbigay babala naman ang PNP – Naic na tigilan na ang pang-titrip sa mukha ng mga taong maraming pimples para maiwasan daw ang mga ganitong gulo.

pimples