Browse By

MMDA Naglabas ng Bagong Violations sa Pagtawid

MANILA – Nung isang araw lang naglabas ang LTO ng mga bago nilang violation ukol sa mga drivers. Ngayon naman naglabas ang MMDA ng kanilang mga ilang violations sa pagtawid sa kalsada.

Ayon sa datus ng MMDA, isa sa pinakamalaking dahilan ng aksidente sa pagtawid ay ang katangahan. Naghire ang tanggapan ng mga psychologist para matulungan silang masukat ang katangahan ng bawat tumatawid at mabigyan ng karampatang parusa or bayad.

MMDA

 

Yung multa para sa Saksakan ng Tanga ay inaayos parin ng  MMDA at dinedepensa pa sa korte. Ayon sa korte sa katauhan ni Judge Junio Del Pradu “Habang buhay na pagkabilanggo is too much for such violation”. Sabi naman ni MMDA Chairman Tolen-tolen “Tama lang yan at ng mabawasan ng saksakan ng tanga sa kalsada, kung pwede nga kahit sa pag-ibig isama na namin dyan eh”. Sana maresolba narin nila ito sa madaling panahon at maipatupad na ng mabilis ang huling violation.

Pina-alala ng MMDA na dapat talagang madisiplina ang mga tumatawid sa daan at ng makaiwas sa disgrasya. Sinabihan din nila ang mga enforcer nila na huwag tatanga tanga sa daan kasi mahahawa ang mga tumatawid.