Browse By

Instructor sa Baguio Nangi-kil ng Semento

BAGUIO – Ilang mga estudyante ng isang kilalang unibersidad sa Baguio ang nagrereklamo ngayon dahil umano sa pangingikil ng kanilang instructor ng semento at ilan pang bagay na pampatayo ng bahay.

Napag-alamanan umano na ang nirereklamo na instructor ay si Jonathan Dimagulangan na isang clinical instructor at full time professor ng isang kilalang unibersidad sa Baguio (Naki-usap ang eskwelahan na huwag isama ang pangalan nila). Ang mga nagrereklamong estudyante ay kasalukuyang mga 4th year nursing na kumukuha ng kanila thesis. Inalok sila umano ng instructor nila na bibigyan ng mataas na grado sa thesis kung sila ay magbibigay ng semento, bakal, buhangin at tig-1000 pesos bawat estudyante. At dahil sa busy schedule ng mga estudyante, bumigay na lamang sila at nagbigay ng mga hinihiling nito.

Ngunit hindi duon natatapos ang kwento, nagbigay naman daw ang instructor nila ng mga thesis na gawa na at, i-copy paste nalang daw nila. Dumating ngayon ang defense ng thesis, inilaglag umano sila ng instructor na to at sinabi pa sa harap ng mga panel na kinopya lang daw ang trabaho nila. At dahil dito nabahala ang mga estudyante na baka hindi maka-graduate. Nakipag-usap ulit sila sa instructor at sabi daw nito na palabas lang daw yun, pero humingi na naman daw ng semento ang instructor. Nang dahil dito nag-decide ang ilan sa mga estudyante na dumulog sa aming himpilang serbisyo publiko at ipagbigay alam ang tungkol sa sinapit nila.

Sinubukan naming kunin ang panig ng unibersidad, at agad naman daw nilang iimbistigahan ito.

Kinuha din┬ánamin ang panig ni Jonathan Dimagulangan tungkol sa isyung ito. Sabi nya; “It is not true, these students are making stories because they failed on their thesis defense”

Sinubukan ng news team namin na kumuha ng litrato sa kanilang pader.

 

FenceCorrupt

Mula sa larawang ito, kayo na po ang humusga…

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

seven + six =