Browse By

Bawas Gastos ayun kay Napoles

MANILA – Hindi tayo alintana sa laki ng gastos na ginagamit upang madala si Napoles sa Sandiganbayan mula sa Laguna. May limang suhestyon si Janit “Porky” Napoles upang maka-bawas daw sya sa gastos ng bayan.

Unang suhestyon nya ay pakawalan nalang sya at manirahan nalang sa isa sa mga mansyon nya. Pero alam nyang hindi papayag at gobyerno at dahil baka makipag-tsismisan ito sa kapitbahay at mabunyag pa ang kanilang infernal affair ni Abad at iba pang sangkot. Pero kung papayag daw ang gobyerno dito ay malaki daw umano ang matitipid sa kaban ng bayan.

Pangalawang suhestyon nya ay kung pwede daw i-unfreeze ang pera nya at magpapagawa nalang daw sya ng condominium malapit sa Sandiganbayan. Anya kay Napoles makakatulong din daw ito sa gobyerno dahil pwede narin daw itong gamitin na piitan para sa iba nyang kasamang akusado, kahit sila Cedric Lee ay pwede naring makitira dito, huwag nga lang daw sila mapagtabi ng kwarto ni Bong kasi baka mapagkamalan nya itong si Vhong.

Pangatlong suhestyon nya ay payagan nalang daw sya na mag-camping malapit sa Sandigangbayan. Kahit magtayo nalang daw sya ng maliit na tent kung ayaw nilang i-release ang pera nya para sa pampatayo nya ng condo unit. At pwede narin daw sya magsimula dito kahit munting karinderya para makapag-benta sya ng pork adobo, sinagang na oink oink, pinatayong baboy, at crispy pork belly.

Sa mga suhestyon daw na ito ay makakatipid nga naman ang taong bayan. Pero legal daw ba naman ito. Aming kinonsulta kay Atty. Jose D. Manalo ang tungkol dito, at ayun sa kanya, “illegal ito pero kung gusto nila magtipid payagan nalang nila, saka nalang sila mag-imbistiga kung sinabi ng Supreme Court na bawal”.