Browse By

Bata Nagsuka ng Dugo Pagkatapos Kumain ng Fiber

MACTAN – Isang bata ang isinugod sa hospital dahil umano sa pagsuka ng dugo pagkatapos makakain ng fiber na binigay umano ng ama.

Ayon sa imbestigasyon 3:00 pm ng hapon ng biglang magsuka ang bata ng dugo dahil sa pinakain umano sa kanya ng ama. Daliang dinala ang bata sa Mactan Doctors Hospital upang mapasuri agad ang bata. Lumabas sa medical examination na ang kinain ng bata ay dinurog na fiber glass at nagkasugatsugat nga daw ang lalamunan at tyan ng bata dahil dito. Naka-schedule ang bata para sa isang operasyon upang maisalba ang buhay nito.

Bata

Agad namang hinuli ng Mactan Police sa pangunguna ni SPO1 Protacio Bucayo ang ama ng bata na si Paulo Tang. Kasalukuyang nakakulong sa station 8 ng Mactan Police HQ si Paulo. Aming ininterview ang ama ng bata at tinanong kung bakit nya pinakain ng fiber glass ang anak, at ang sagot nya¬†“Ako miingon nga ang mga kumpare matahum nga mga anak nga nag-angkon sa fiber, mao nga ako sa gipakaon sa mga fiber siya” (“Sabi ng kumpare ko maganda daw sa bata ang fiber, kaya ko sya pinakain ng fiber”). Nahaharap ngayon si Mang Paulo sa kasong Child Abuse at Reckless Imprudence resulting to physical injury.

Ayon sa awtoridad kung mapapatunayang hindi sinasadya ng ama ang nangyari at dahil lamang sa katangahan kung bakit nangyari yun, maaring mapawalang sala sya.