Browse By

Baklang naka-pink ginulpi

baklang binugbog

VALENZUELA – Isang 28-anyos na baklita ang kinuyog ng tatlo nitong kaeskwela matapos na napag-initan umano dahil sa suot nitong pink na polo sa labas ng isang parlor sa Valenzuela City.
 
Sa ulat ni Joe Paltos sa  Gay – MA News TV’s “Baklitanghali” nitong Huwebes, ikinuwento ng ama ng biktimang itinago sa pangalang Emily Babush, na naganap daw ang pananakit sa kaniyang anak noong Hunyo 10.

Pauwi na umano si Emily Babush mula sa pinapasukan nitong parlor na Chupets nang abangan ito ng mahigit sa limang t-bird sa labas ng parlor.

Sinita raw ng mga ito si Emily Babush dahil sa pink nitong polo. Pero dahil ayaw ng gulo, umalis lang daw si Emily Babush.

Ngunit sinundan pa rin umano ang baklita ng mga nam-bully at saka pinagtulungan.